top of page

ATTITUDE PROBLEM

(Strike One)

 

|By Amor Arcebuche

 

Hindi dapat isinasama sa line up ang mga player na hindi pa ganung kagaling at kasikat, super na ang attitude problem.” Ito ang linyang binanggit ng isang Sports Committee sa liga sa aming sitio. Nagulat ako, nagtaka at na-curious kung sino ang tinutukoy niya. Attitude problem. Anu nga ba ito?

 

Taas noo sa paglalaro, ngunit hindi dapat maging mataas ang asta mo sa sarili mo. Bato-bato sa langit, ang tamaan SAPUL! Bago-bago rin pag may time. Kung ikaw ay magaling, well it's good. Kung ikaw pa ay disiplinado, masipag mag-training, nakikinig sa coaches at pursigidong maglaro, well it's better. At kung ikaw pa rin ay may plus factor sa pagiging mabait, mapagkumbaba, marunong makisama at hindi malaki ang ulo o sobrang yabang, well it's definitely the best. Ika nga sa isang kasabihan, "People don't wake up one day with an attitude.” Ibig sabihin, ang pag-uugali ng tao ay natututunan, nalalaman base sa pag-iisip ng balanse at pag- alam sa tama at mali.

 

Attitude Problem. Ayon sa Yahoo Answers, "an attitude problem is when someone doesn't treat someone else fairly or tease them due other things. Attitude problem is one who considers him/herself better than others and looks down upon them, they are not considerate of others’ feelings. In short, may attitude problem ka kung ikaw ay sobrang mayabang at masyadong mapagmataas ang asta sa sarili.

 

Attitude Problem. Yung mga taong hindi pa ganung kagaling at kasikat, kung umasta na fan nila ang lahat ng makakasalubong nila. Ang attitude mo ay kakaiba, kung umasta ka akala mo superstar ka na, hahabulin, pagkakaguluhan at hihingan ng autograph. Kaya simpleng interview lang sa campus niyo, lumalaki na agad ang ulo mo. Very wrong…

 

Attitude Problem. Kung tutuusin, ang attitude ay hindi isang problem. Nagkakaroon lang talaga ng problema sa attitude mo kung ito ay masama. Hindi masama maging plastik sa mata ng iba kung ito lamang ang tanging paraan upang hindi nila malaman ang tunay mung ugali (Hehe! Kahit wrong pa rin).

 

Attitude. Kung tutumbasan ng numero ang bawat letra ng attitude, ang suma total nito ay may kabuuang 100. Ibig sabihin, dapat may 100% tayong attitude. Pero mas maganda kung ito ay 100% good dahil mas maganda pa rin na magkaroon ng magandang impresyon na itatatak sayo ng ibang tao habang ikaw ay hinahangaan nila na may angking kagalingan kaysa naman maalala ka nila dahil sa masamang ugali mong taglay hanggang sa malaos ka na.

 

Bago ko ito tapusin, ang mga may attitude problem na pinariringgan ng aming Sports Coordinator ay hindi lang pala isa ngunit isang team. Ang team na nagkampeon sa liga ha, diba astig? Masaya na dapat sila ngunit nabasag ang isang kasiyahan sa bato na inihagis sa kanila dahil hindi naman iyon totoo. Ngunit sa imbes na magalit at awayin ang coordinator na iyon, sila ay nanahimik at inisip na lamang na isang hamon sa kanila ito upang ipakita na tanging paninira lamang sa kanila ang ginawa. Kaya ito ay isang malaking hamon, sa mga taong nagtiyagang magbasa at tapusin ang artikulong ito, maraming salamat. Ngayon, hinahamon ko kayo na kung sakali na  makadaupang-palad niyo ang sa tingin nyo may attitude problem, handa ba kayong maging kabahagi upang mabago nya ito?. At kung ito naman ay mismong kayo, panahon na para magbago-bago, ika ng “bago-bago din pag may time”, “bait-bait din ng walang humpay” at “push mo yan te”.

 

Ang opinyong ito ay pangkalahatan. Madami na akong nakilala na nasabihan din na may attitude problem. Magaling sila ngunit sa paulit-ulit nilang pakikinig at pag-iisip ng tama at mali, napatunayan din nilang ang good behavior at right attitude ay may malaking impact lalong-lalo na sa ikatatagumpay mo sa larangan ng isports.

bottom of page