The Official Tertiary Student Publication of Laguna College of Business and Arts
LYCAN IN ACTION! UPGRADED
|Ni Amor Arcebuche
Higit dalawang daang manlalaro, walong isports na nilahukan at may isang layunin na nais itampok sa kani-kanilang mga larangan, at ito nga ay maging una ang kanilang paaralan sa larangang kinatatampukan. Lycans, sila ang mga manlalaro mula sa paaralan ng Laguna College of Business and Arts. Ang LCBA na sa loob ng 85 taong pamamayagpag hindi pa rin mapigil sa pagpoprodyus ng mga mahuhusay at di matatawarang mga atleta na handang magbandera ng kanilang pangalan dahil sa ipimamamalas na kagalingan. School varsities, beneficiaries of discounted tuition fees at higit sa lahat ang mga “armas sa pampalaksan”, sila ang tinatawag na Lycans, handang lumaban para sa paaralan.
Sa taong ito, lumobo ang nagnais at napabilang na maging kabahagi ng team LCBA, mahigit 20% ang nadagdag at napabilang sa listahan ng mga Lycans. Hindi lang umulan ng mga manlalaro, nagsidatingan din ang mga alumni o mga batikang manlalaro na nagtapos sa LCBA bilang mga coaches at staff upang muling makibahagi at maging parte ng bawat tagumpay na nais sungkitin ng mga bagong Lycans. Sa bagong taong ito, bagong pagkakataon ang kukunin sa bawat torneyo. Bagong laban, bagong pagkapanalo ang ibubuslo. At bagong Lycans, bagong kabanata ang uumpisahan.
Basketball
Sa kagalingang hindi matatawaran, bagong buo man sa mata ng iba, naririto pa rin ang puso na nagmamahal sa larong hindi basta-basta. Basketball-Men at -Boys, dalawang dibisyon na iisa ang hangarin para sa paaralan. Ang Basketball-Men na pinagbibidahan ng 15 kalalakihan mula sa College Department. Mga binatang kailan lamang nung nagsimula ngunit kung maglaro, puspusan ang pagtitiyaga. May kanya-kanya mang galing ang bawat isa, buong team pa rin naman silang lumalaban para maipanalo ang bawat laban. Marami mang negatibo na sa kanila’y parating nakikita, wala silang pakialam sapagkat ang mahalaga, ginagawa nila ang parte nila bilang mga manlalaro ng LCBA. Basketball-Boys, sila ang mga Lycans sa High School Department--mga binatang kamakailan lamang ay nag-uwi ng titulong kampeon sa nakaraang PRISAA Provincial Meet. Mga manlalarong sa batang mga edad, nagawa ng ungusan ang mga karibal na humaharang sa kanilang landas patungong rurok ng tagumpay. Sa taong ito, inaasahan ang mga Lycans sa basketball team na gagawa ng panibagong magmamarka sa mata ng lahat at magbabandera sa kagalingan ng mga atletang Lycans. Ngunit hindi buo ang team kung walang pinaka-utak na magdidikta ng opensa at depensa. Ito nga ang mga naggagalingang coaches na sina Coach Rommel Aclon at Coach Winston Sergio--mga batikang manlalaro na susuporta sa layunin ng bawat Lycan na manguna sa lahat ng torneyong lalahukan.
Volleyball
Sa hatawan hindi matatawaran, sa pagpalo ng bola talaga namang hahanga ka, mga manlalaro sa volleyball ngayon magpapakitang gilas na. Sa kabuuang limampu't pito (57), muli na namang babandera ang mga Lycans pagdating sa larong volleyball.Labing dalawang kabataang babae at labing limang kalalakihan sa High School Department ang susuong upang lumaban sa mga kompetisyon na susukat sa kanilang pinagagurang pag-eensayo sa ganap na ika-4 ng hapon. Sa bago nilang coaches, susukatin ang kanilang natutunan, ipapakita ang bawat katatagan, sa mga turo nina Coach Marjon Ortis at Coach Renz Cedrick Maceo, mapapamalas ang galing ng bawat Lycan sa High School Department. Sa kolehiyo naman, hindi magpapahuli ang Lycans, mga manlalaro na hindi mo matatawaran ang kagalingan. Sa pangunguna nina Coach Michael Javier, Coach Fernando Pendon at Coach Hernando Lerado, nabuo ang team na bago at naglalakasan, sa mga kompetisyon sila ay magpapakitang gilas. Sa Lycans Volleyball Team, sila ang magpapamalas, paghataw sa bola sila’y mangunguna.
Karate do
Sa palakasan, sila ang bumibida. Sa pagsigaw ng "Hah!" siguradong kakabahan ka. Nag-uwi kamakailan lamang ng karangalan para sa paaralan, ngunit ngayon magpapamalas muli upang iuwi ang kampeonato para sa paaralan. Masakit man pag ika'y tinamaan, paniguradong sakit ng katawan iyong mararamdaman, ngunit para sa kanila ay " No pain, no gain" ang laban. Kaya naman patuloy silang umaarangkada upang mamayagpag sa madla. Sampung manlalaro na dumaan sa matinding training, 10 manlalaro na susugod upang manalo. Sa ilalim ng pag-eensayo ng kanilang coach na si Coach Dennis Abalos, susubukan muli nilang mamayani ang sigaw at lakas ng Lycans sa mga darating na palaro.
Table Tennis
Sa liit ng ping pong ball, wala dapat magmintis. Talas ng mata at bilis ng kamay ay dapat laging magkapares sapagkat pabilisan ng tira ang siyang labanan at sa torneyo ang mautak at alerto ang siyang hinahangaan. Estudyante pa lang, sa galing hindi na matatawaran, pati pagko-coach, kanya na ngayong pagbibidahan. Ito si Airelle Ara Acosta, 4th year BSCpE student na susubukang ibahagi ang pangkampeon na galing sa kanyang mga kapwa manlalaro. Hahasain niya ang may kabuuang 18 manlalaro sa table tennis na kasama niyang mamamayani sa anumang torneyo ngayong taong ito. Isa sa mga Lycans na sa bagong taong ito, magpapamalas ng kakaibang istilo na magpapaanggat sa galing ng Lycans.
Chess
"A mind game". Sa katahimikan nilang taglay, nagtatago ang galing na hindi humahapay. Puspusang pag-eensayo ang ginagawa, hindi man kasing bigat ng training ng iba, mas pagod ang kanilang mga utak at mata. Walang kukurap kung ayaw mong ma-miss ang moves na malupit, sa kalaban nila’y nakakapagpaisip ng matindi, sa mga galaw ng kamay talagang hindi mo gugustuhing pumikit kundi pressure ang aabutin mo sa pag-isip ng igaganti. Labing-siyam na varsity, labing-siyam na utak ang dapat patalasin, labing-siyam na tinatalo ng sabay-sabay ng kanilang coach na magaling. Siya ang coach na kahit saan mo dalhin hindi ka bibiguin--si Coach Jenelyn Mendoza, ang coach na walang kasing galing, sa kanyang mga manlalaro siya ay nakiki-jamming. Kaya naman sa pagdating ng laban, mga bata niya ay pa banjing- banjing, magugulat ka na lang sila'y champion pa rin.
Badminton
Sa utakan, sila dapat ay manguna. Sa pagsukat sa court, hindi dapat pumalya, mga tira'y dapat maging mabisa, laruin ang kalaban at utakan upang hindi na makahabol pa. Sila ang mga may armas na raketa, sa pagpapatibay ng hawak sa sandata, laro nila magiging epektibo sa mga tira. Binubuo sila ng 19 members na lalaro sa tatlong dibisyon-- ang single, double at mixed doubles tournament. Isa ang Team Lycans badminton sa mga isports na patuloy pa rin ang pamamayagpag sa mga torneyo na kanilang nilalahukan, at syempre walang magaling na manlalaro kung walang guro na nagtuturo. Sa pamamagitan ng pagiging batikang manlalaro ni Coach Marlon De Guzman, nahasa ang bawat indibidwal at sa tulong din ‘yan ng pinakamamahal na tatay ng bayan, si Coach Lerado na sa badminton, hindi rin matatawaran.
Cheerleading
Sa utakan, sila dapat ay manguna. Sa pagsukat sa court, hindi dapat pumalya, mga tira'y dapat maging mabisa, laruin ang kalaban at utakan upang hindi na makahabol pa. Sila ang mga may armas na raketa, sa pagpapatibay ng hawak sa sandata, laro nila magiging epektibo sa mga tira. Binubuo sila ng 19 members na lalaro sa tatlong dibisyon-- ang single, double at mixed doubles tournament. Isa ang Team Lycans badminton sa mga isports na patuloy pa rin ang pamamayagpag sa mga torneyo na kanilang nilalahukan, at syempre walang magaling na manlalaro kung walang guro na nagtuturo. Sa pamamagitan ng pagiging batikang manlalaro ni Coach Marlon De Guzman, nahasa ang bawat indibidwal at sa tulong din ‘yan ng pinakamamahal na tatay ng bayan, si Coach Lerado na sa badminton, hindi rin matatawaran.
Lycans
Sa bagong kabanatang ito, iisa lamang ang mithiin, ang mapunyagi sa larangan ng isports at magkaroon ng pagkakakilanlan sa kailang isport na nilalaruan. Ang pagiging parte ng tinatawag na "Lycans Team" ay isa ng tagumpay ng mga manlalarong ito, dahil hindi lahat ng nagnananais ay basta-basta lamang nakakapasok. Sapagkat ang Lycans ay pinaghihirapan ang opurtunidad na maging kabilang dito. sa bagong kabanatang ito, bagong mga armas ng pampalakasan ang magpapamalas ng galing sa mga kompetisyong kanilang lalahukan. Carte blanche Lycans!!!