top of page

BAGONG IDs, HI-TECH NA!

 

|Ni Christian Dale Faustino

 

Bilang bahagi ng paghahanda ng Laguna College of Business and Arts para sa accreditation nito patungo sa pagiging unibersidad, binago na rin ang sistema ng ID ng mga estudyante. Bukod sa nailipat na ang “South Gate” ng paaralan, ginagamit na rin ang apat na bagong ID machine na siyang nagsisilbing bantay sa pagpasok at paglabas ng mga estudyante.

 

Sa mga hindi pa rin pamilyar sa bagong sistema ng pagpasok at paglabas sa El-ay, narito ang isang step-by-step guide kung paano magagamit nang ayos ang mga bago nating ID machine:

 

1. Dapat ay may kasabay kang papasok o lalabas. Malalaman mo ang kahalagahan nito pagkalampas mo sa machine.

2. Siguraduhing may ID ka, kaibigan. Bukod pa rito, dapat ay naipa-activate na rin ang ID mo nang makilala ito ng computer.  Tandaan mo, hindi lang tayo “No ID, No Entry”. May policy rin tayo na “No ID, No Exit!”

3. ‘Wag ka ring gagamit ng ID ng iba. Papapasukin ka ng machine pero haharangin ka naman ng mga guard.

4. Unahan mo ang kasabay mo kanina.

5. KEEP RIGHT. Wala ka sa Walter Mart.

6. Huwag mong ipagdamot ang bag mo kung iinspeksyunin ito ng ating mga butihing guwardya. Bawal din ang ‘bomb jokes’ kung ayaw mong makulong.

7. Kapag nasa harap ka na ng machine, may option ka either tatanggalin mo ang ID mo para i-scan o pipilitin mong yumuko kung matangkad ka. Ilapat ang ID sa itim na square na may nakasulat na “READ CARD” at sumigaw ng “Ability card, activate!” Hintaying umatake ang alaga mong Bakugan at tignan kung ilang damage ang nagawa nito sa kalaban.

8. Mapapansin mo dapat na ang pulang ekis sa taas ng “READ CARD” ay magiging green forward arrow. ‘Yun ay kung valid ang ID mo.

9. Lalabas ang mukha mo sa screen (kung sinunod mo ang step number 3). Instant celebrity ka na! Kung ayaw mo naman sa ganitong klaseng kahihiyan, makakaligtas ka kung sinunod mo ang steps number 1 at 4.

10. Pwede ka nang pumasok o lumabas. Muli, may pamimilian ka kung hahawakan mo ang bakal na harang para mag-rotate ito o hahayaan mong umikot ito habang dinadaanan mo.

bottom of page