The Official Tertiary Student Publication of Laguna College of Business and Arts
BILANG NG SCHOOL VARSITY PLAYERS, TUMAAS NG 20%
|Ni Amor Arcebuche
Sa pagbubukas ng panibagong taon sa Laguna College of Business and Arts, hindi lamang ang bilang ng mga bagong LCBAians ang naitalang tumaas kundi pati na rin ang bilang ng mga Lycans na napabilang sa Varsity Club Organization (VCO) ngayong unang semester ng taong pang-akademikong 2014-2015.
Tumaas ang bilang ng mga bagong Lycans ng 20% kumpara noong isang taon. Ayon kay Mr. Hernando Lerado, Sports Coordinator na mas kilala sa tawag na “Tatay,” umabot sa humigit 200 ang naka-line up sa Team LCBA na sasabak sa mga kompetisyong lalahukan ng paaralan. Ito ay binubuo ng elementary, high school at college students ng LCBA. Ibinida rin ni G. Lerado ang pitong sports na mayroon ang paaralan kabilang ang basketball, volleyball, badminton, table tennis, chess, karatedo at cheerleading.
Sa taong ito, umabot na sa higit 200 ang bilang ng mga atleta ng LCBA. Sila ang bumubuo sa samahan ng VCO. Ang VCO ay pinamumunuan ng bagong pangulo nito na si Sapphira Paleracio, isa sa mga atleta sa badminton. Sa larong volleyball, ang ating mga manlalaro ay binubuo ng 13 babae at 17 na lalaki; sa badminton, may 11 na atleta; sa basketball, may 15 na mga kalalakihang kalahok; sa chess ay 10; sa table tennis ay 8; sa karatedo ay 11; at sa pep squad na may 27 miyembro.
Ang mga manlalaro ay makatatanggap ng discount sa kanilang tuition fees na kanilang pagpapaguran upang mairanggo sila base sa performance na kanilang ipinapakita sa kani-kanilang larangan. Isa pang nabanggit ni G. Lerado ay ang programa ng paaralan para sa isports na nakapaloob sa 5-year development plan.
Bagong coaches din ang tinanggap ng paaralan upang hasain ang mga manlalaro sa volleyball. Nagbabalik ang tatlong mga batikang manlalaro ng LCBA sa katauhan ni Coach Michael Javier para sa College-Men, Coach Renz Cedrick Maceo para sa High School-Men at Coach Marjon Ortez para sa High School-Women.
Sa taong ito, muli na namang sasabak ang ating mga atleta sa taunang mga patimpalak na dinaraos sa iba’t-ibang panig ng ating bansa. Sa buwan ng Hulyo at Agosto, masusukat ang ipinukol na ensayo ng ating koponan sa larong basketball at volleyball (men and women) sa United CALABARZON Collegiate League (UCCL) Meet na gaganapin sa First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) sa Batangas.
Puspusang pag-eensayo, oras na inilalaan upang mas lalong humusay, pawis at pagod na hindi iindahin, dahil iisa lamang ang kanilang layunin, ang mamayagpag sa larong kanilang pinaglalabanan at pinagpapaguran. Ito ay ang magkaroon ng magandang kalalabasan ang bawat pag-eensayo at maibandera ang pangalang kanilang pinanggalingan. At naniniwala ang bawat varsity sa kasabihan mula kay Vince Lombardi na “Winning isn’t everything--but wanting to win is.”
-
Basketball 5
-
Volleyball
-
Boys 17
-
Girls 13
-
-
Badminton 11
-
Chess 10
-
Table Tennis 8
-
Karate do 11
-
Pep Squad 27