top of page

BUHAYANI FESTIVAL: MAS BUHAY, MAS WAGI!

Sa pagpatak ng ika-153 na kaarawan ng ating pambansang bayani, nagpasabog ang kauna-unahang Buhayani Festival sa Lungsod ng Calamba

 

|Ni Christian Dale Faustino

Talinong Rizal

Talinong Rizal

Buhayani'y Buhay!

Buhayani'y Buhay!

Ang mga Karakter

Ang mga Karakter

Rizal Bilang Manggagamot

Rizal Bilang Manggagamot

Nagkaroon ng panibagong sigla ang paggunita ng kaarawan ni Dr. Jose Rizal ngayong 2014. Bawat Kalambenyo’y napaindak at nagsaya habang nakikiisa sa pagdiriwang ng unang Buhayani Festival, ang isang buong linggong parangal sa pagkasilang ng bayaning naging susi sa kalayaan ng bayan.

 

Nataong kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ang pagbubukas ng isang linggong selebrasyon. Samo’t sari rin ang mga pakulo at programang inihanda ng pamahalaang panlungsod ng Calamba upang mas mapa-engrande ang pagdiriwang.

 

Ginanap noong ika-13 ng Hunyo ang Larong Pinoy sa Dambanang Rizal kung saan iba’t ibang mga laro ang inihanda upang makapagpasaya sa mga nakilahok at nanood na syang sinundan ng Martsa de Rizal, isang paligsahang nagpakita ng husay ng mga bandang pangmartsa. Nagkaroon din ng patimpalak na pinamagatang Hawig-Rizal, na nagpakilala sa mga Rizal Wanna-be at Rizal Look-a-like sa tatlong kategorya: Batang Rizal (si Rizal noong kanyang kamusmusan), Mamang Rizal (si Rizal noong kanyang kapanahunan) at Matandang Rizal (si Rizal noong mga huling taon ng kanyang buhay).

 

Noong mga sumunod na araw naman ay ginanap ang iba pang mga patimpalak at kasiyahan tulad ng Saranggolahan o paligsahan sa pagpapalipad ng saranggola; Calambikefest; Talinong Rizal Quiz Bee at Buhayani Short Film Festival na patuloy pa ring tinangkilik at dinaluhan ng mga tao, Calambeño man o hindi.

 

Hindi naman nagpahuli ang Laguna College of Business and Arts sa pakikiisa sa pagdiriwang at pagsali sa mga paligsahan. Nilahukan ng ating paaralan ang sari-saring mga kumpetisyon tulad ng Buhayani Sayawindak Street Dancing Competition, Float Parade Competition at Talinong Rizal Quiz Bee. Dahil sa angking talino at tyaga sa pananaliksik, nagwaging 1st runner-up sa ginanap na quiz bee ang ating mga mag-aaral na sina Kevin Barrera, Cedrick Salom at Felipe Muncada na pawang mga mula sa School of Teacher Education.

 

Lalong dinumog ng ating mga kababayan ang selebrasyon noong Hunyo 19, ang kumbaga’y “Grand Day” ng okasyon. Iba’t ibang mga institusyon, kapatiran at organisasyong kumikilala sa kadakilaan ni Dr. Jose Rizal ang nakilakad sa ginanap na Float Parade Competition.

 

Mga Larawan: Paul John Nuguid

bottom of page